Sulyap sa Nakaraan

Araw na lumipas,
Gabing dumadaan
Ang ating nakalipas,
Bumabalik sa aking isipan                                                          Image result for lonely person

Ugaling maganda,
Na nakahuhumaling aking sinta
Ang ngiti sa’yong labi at kislap ng iyong mata,
Na syang aking nagustuhan talaga

Dati’y ako ang nasa iyong “tabi”,
Na nagbibigay sigla sa’yong mga ngiti
Ngayon ako ay nasa isang tabi,
Minamasadan “kayong dalawa ” sa malayo habang nakangiti

Ang dating “tayo” napalitan ng “ikaw” at “ako”,
Dahil ba ito  sa mga desisyong nagawa ko?
Ngayong nakikita kong  masaya ka sa piling “nya”;
Heto naman ako “sumusulyap sa ating nakaraan” ,Oh aking Sinta!